Kung na-on mo ang mga ad sa Page sa Panonood o Feed ng Shorts, pero wala kang nakikitang ad sa iyong content, posibleng may isyu. Gamitin ang impormasyon sa ibaba para malaman kung ano ang posibleng nagdudulot ng mga problema. Bago ka sumubok ng anumang hakbang sa pag-troubleshoot, tiyaking kwalipikadong mag-monetize ang iyong channel.
Mga video kung saan hindi ka puwedeng magpakita ng mga ad
Ang mga sumusunod na uri ng mga video (kabilang ang Shorts) ay hindi kwalipikadong mag-monetize gamit ang mga ad:
- Mga video na lumalabag sa aming Mga patakaran sa pag-monetize ng channel sa YouTube
- Mga video na may mga claim na third-party
- Mga video na itinakda bilang pribado
Tiyaking natutugunan ng iyong video ang aming mga alituntunin
Tiyaking tama ang mga setting ng video at nakakatugon ito sa mga alituntunin:
- Tiyaking tama ang mga setting ng iyong video:
- Naka-on ang pag-monetize para sa iyong video.
- Tiyaking natutugunan ng iyong video ang mga alituntunin:
- Pang-advertiser ang content na nasa video (tingnan ang mga alituntunin sa at halimbawa ng self-certification sa page na iyon).
Nagkakaproblema pa rin?
Subukan ang mga hakbang sa pag-troubleshoot na ito:
- Kung na-on mo ang software na nagba-block ng ad o mga add-on at extension sa iyong browser, posibleng hindi ka makakita ng mga ad sa video mo. Subukang i-off ang software o extension.
- Kung na-off mo ang mga ad para sa iyong channel sa Mga Setting ng Account mo, hindi maihahatid ang mga ad sa alinman sa iyong mga video.
- Posibleng hindi maipakita ang mga ad sa bawat panonood ng video. Puwede mong tingnan ang iyong kita para malaman kung ipinakita ang mga ad sa mga partikular na video sa YouTube Analytics.
- Pumunta sa aming gabay sa icon ng pag-monetize para mas maunawaan pa ang tungkol sa status ng pag-monetize ng video.