I-donate ang iyong Mga Larawan sa History ng Visual na Paghahanap para makatulong pahusayin ang Google

Kung pinili mong i-save ang mga larawang hinahanap mo gamit ang History ng Visual na Paghahanap, puwede mong i-donate ang mga ito sa Google. Ang mga larawan lang na na-save sa History ng Visual na Paghahanap habang naka-enable ang pag-donate ang kasama sa programang ito. Kapag naka-enable ang Pag-donate sa History ng Visual na Paghahanap, posibleng suriin ng mga sinanay na taong tagasuri sa Google ang mga larawang na-save sa iyong History ng Visual na Paghahanap para buuin at pahusayin ang mga produkto, serbisyo, at teknolohiya ng machine learning ng Google.

Tip: Naka-off bilang default ang Pag-donate sa History ng Visual na Paghahanap.

I-on o i-off ang Pag-donate sa History ng Visual na Paghahanap

Ang Pag-donate sa History ng Visual na Paghahanap ay setting na partikular sa device. Sinusuri lang ng Google ang mga larawang naka-save sa History ng Visual na Paghahanap mula sa mga device na nag-opt in na mag-donate. Kung 2 device ang naka-sign in sa parehong account, at isa lang ang nag-opt in na mag-donate, mase-save sa History ng Visual na Paghahanap ang mga larawang hahanapin mo sa parehong device.

Para mag-donate ng mga larawan, dapat munang i-on ang History ng Visual na Paghahanap. Pamahalaan ang iyong History ng Visual na Paghahanap sa Aktibidad sa Web at App mo.

Puwede mong baguhin ang setting ng Pag-donate sa History ng Visual na Paghahanap anumang oras.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, pumunta sa Google app Google Search.
  2. Sa search bar, i-tap ang Google Lens .
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa at pagkatapos I-donate ang iyong History ng Visual na Paghahanap.
  4. I-on o i-off ang Pag-donate sa History ng Visual na Paghahanap.

Kapag naka-off ang Pag-donate sa History ng Visual na Paghahanap, hindi magiging kwalipikado para sa programang ito ang bagong content na mase-save sa iyong History ng Visual na Paghahanap. Ang content na dating na-donate ay puwede pa ring suriin ng mga taong tagasuri para buuin at pahusayin ang mga produkto, serbisyo, at teknolohiya ng machine learning ng Google. Puwede mong i-delete ang mga larawang ito sa iyong History ng Visual na Paghahanap para pigilan ang Google na gamitin ang mga ito para sa mga layuning ito.

Alamin kung paano maghanap o mag-delete ng mga larawan sa iyong History ng Visual na Paghahanap dito.

Tingnan kung na-donate na ang isang larawan

  1. Bisitahin ang myactivity.google.com.
  2. Hanapin ang larawan ng query na gusto mong tingnan.
  3. Kung na-donate na ang larawan, makikita mo sa subtitle ang "Na-donate sa Google."

Paano ginagamit ang mga na-donate na larawan

Ginagamit ng Google ang mga na-donate na larawan para buuin at pahusayin ang mga produkto, serbisyo, at teknolohiya ng machine learning, para gawing mas kapaki-pakinabang ang mga ito, at gumana nang mas maayos para sa lahat ng user.

 

Bagama't hindi iniuugnay ang mga na-donate na larawan sa impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan mula sa iyong Google account, mag-share lang ng content na hindi personal, sensitibo, o kumpidensyal.

 

Ide-delete ang lahat ng na-donate na larawan alinsunod sa iyong mga setting ng awtomatikong pag-delete sa Aktibidad sa Web at App, bagama't posibleng ma-delete nang mas maaga ang ilang larawan. Alamin kung paano pamahalaan ang iyong awtomatikong pag-delete dito.


Puwede mo ring manual na i-delete ang mga larawan sa History ng Visual na Paghahanap. Alamin kung paano maghanap o mag-delete ng mga larawan sa iyong History ng Visual na Paghahanap dito. Kapag na-delete mo na ang mga larawan sa iyong History ng Visual na Paghahanap, hindi na magiging available ang mga ito para sa pagsusuri ng tao at hindi na magagamit ang mga ito para sa mga pagpapahusay ng produkto at teknolohiya ng machine learning sa hinaharap.

Mga Kaugnay na Resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3206963167162059288
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
100334
false
false
false
false