Gumamit ng security key para sa 2-Step na Pag-verify

Magagamit ang mga security key sa 2-Step na Pag-verify para matulungan kang pigilang makapasok ang mga hacker sa iyong Google Account.
Mahalaga: Kung isa kang mamamahayag, aktibista, o taong posibleng maging target ng mga online na pag-atake, matuto tungkol sa Programang Advanced na Proteksyon.

Hakbang 1: Kunin ang iyong mga key

Mga security key para sa mga passkey

Kung gusto mong mag-sign in gamit lang ang iyong security key at laktawan ang password mo kapag posible, dapat kang gumawa ng passkey. Para gumawa ng passkey, dapat sinusuportahan ng iyong security key ang FIDO2 protocol.

Kung gusto mong gumawa ng passkey sa FIDO2 na hardware na security key na idinagdag sa iyong Google Account bago ang Mayo 2023, posibleng kailangan mo munang alisin ang security key na ito sa iyong account. Kapag naalis na ito, makakagawa ka na ng passkey sa security key na ito.

Tip: Puwedeng gamitin ang anumang FIDO1 o FIDO2 na security key bilang ikalawang hakbang para sa 2-Step na Pag-verify.

Hakbang 2: Magdagdag ng key sa iyong account

Tiyakin na ang ginagamit mo ay ang pinakabagong bersyon ng iyong browser o OS. Hindi na gumagana sa Android device 8.0 at mas luma ang mga bagong nakarehistrong key.

  1. Magbukas ng compatible na browser, gaya ng Chrome.
  2. I-enroll ang iyong security key. Baka kailanganin mong mag-sign in.
Tip: Para matulungan kang mag-sign in kung nawala ang iyong key, magdagdag ng higit pang paraan para patunayang ikaw ito

Hakbang 3: Mag-sign in gamit ang iyong key

Mahalaga: Kung gagawa ka ng passkey sa iyong security key, iba-bypass mo ang ikalawang hakbang sa pag-authenticate, dahil vine-verify nito na nasa iyo ang device mo. Kung gusto mong palaging gamitin ang iyong password, puwede mong baguhin ang default na preference na ito sa mga setting ng iyong account.

Ang mga security key ay isang mas secure na ikalawang hakbang. Kung may iba ka pang naka-set up na ikalawang hakbang, gamitin ang iyong security key para mag-sign in saanman posible. Kung hindi gagana ang security key sa iyong device o browser, posible kang makakita ng opsyong mag-sign in na lang gamit ang isang code o prompt.

Kung makukuha mo ang error na "Kailangan mong irehistro ang Security Key na ito sa iyong Google Account bago mo magamit ito para mag-sign in:"

  1. Subukang mag-sign in gamit ang ibang account.
  2. I-update ang iyong Serbisyo ng Google Play.
  3. Para idagdag ang natukoy na account, subukang mag-sign in ulit.
Tip: Hihingin sa iyo ang security key mo o hihilingin sa iyong magsagawa ng isa pang ikalawang hakbang anumang oras na mag-sign in ka sa bagong computer o device.
Gamit ang Near Field Communication (NFC)
  1. Sa iyong Android phone o tablet, magbukas ng Google app o compatible na browser tulad ng Chrome.
  2. Mag-sign in sa iyong Google Account kung hindi mo pa ito nagagawa.
  3. Made-detect ng iyong device na may security key ang account mo. Sundin ang mga hakbang sa pag-sign in gamit ang iyong key.

Ayusin ang mga problema sa NFC

Tiyaking:

  • I-on ang NFC sa iyong device
  • Idagdag ang key sa iyong account
  • Alisin ang anumang posibleng nakakaharang sa signal ng NFC, tulad ng case o sticker
  • I-update ang iyong device sa pinakabagong bersyon ng Mga Serbisyo ng Google Play
  • Subukang i-restart ang iyong device
  • Subukang i-off at i-on ulit ang NFC

Error sa Mga Serbisyo ng Google Play

  1. Sa iyong Android device, mag-sign in gamit ang account na hindi gumagamit ng security key.
  2. Dapat ay awtomatikong magsimulang mag-update ang Mga Serbisyo ng Google Play.
    • Tiyaking nakakonekta sa internet ang iyong device.
  3. Mag-sign in ulit sa iyong Android device gamit ang account na gumagamit ng security key.
  4. Sundin ang mga hakbang para mag-sign in gamit ang iyong key sa pamamagitan ng Near Field Communication (NFC).
Gamit ang USB
  1. Magbukas ng compatible na browser tulad ng Chrome.
  2. Mag-sign in sa iyong Google Account. Made-detect ng iyong device na may security key ang account mo.
  3. Ikonekta ang iyong key sa port ng USB sa device mo.
    • Posibleng mangailangan ka ng USB adapter.
  4. Kung may makikita kang mensahe mula sa "Mga serbisyo ng Google Play," i-tap ang OK. Kung hindi, magpatuloy sa hakbang 5.
  5. I-on ang iyong key:
    • Kung may gold disc ang iyong key, i-tap ito.
    • Kung may gold tip ang iyong key, i-tap at pagkatapos ay pindutin ito.
    • Kung may button ang iyong key, pindutin ito.
    • Kung wala ang iyong key ng alinman sa mga feature na ito, posibleng kailangan mo itong alisin at ilagay ulit. Nao-off ang ganitong uri ng key pagkatapos ng bawat paggamit.

Ayusin ang iyong mga security key

Puwede mong pamahalaan ang iyong mga security key sa ilalim ng mga setting mo sa 2-Step na Pag-verify. Makikita mo roon ang listahan ng mga key na idinagdag mo, mula sa pinakabago hanggang sa pinakaluma. Makikita mo rin ang higit pang impormasyon gaya ng pangalan ng key, petsa kung kailan ito idinagdag, at kung kailan ito huling ginamit. Ang default na pangalan ng key ay “Security Key” maliban kung pipili ka ng custom na pangalan.

May opsyon ka ring i-edit ang pangalan ng bawat security key o i-delete ito.

I-rename ang iyong mga security key

Sa tabi ng bawat security key, mag-click sa icon ng lapit I-edit para i-edit ang pangalan nito. Nangangahulugan ito na kung marami kang security key, mas mahusay mong matutukoy ang mga iyon gamit ang custom na pangalan.

Alisin ang iyong mga security key

Sa tabi ng isang security key, mag-click sa icon ng trash I-delete para alisin ito para hindi na ito maging konektado sa iyong Google Account. Kapag inalis mo ang iyong security key, hihingan ka ng kumpirmasyon. Posibleng kailangan mo ring i-sign in ulit ang iyong Google Account.

Hindi magamit ang security key

Kung hindi mo magamit ang iyong security key, puwede kang bumuo ng security code para sa 2-Step na Pag-verify:

  1. Sa device na naka-sign in sa iyong account, pumunta sa g.co/sc.
  2. Sundin ang mga tagubilin sa screen.
I-reset ang iyong na-lock na security key

Kailangan ng ilang security key ng karagdagang pag-verify, gaya ng PIN.

Kung na-lock ang iyong security key dahil sa maraming paglalagay ng maling PIN at kailangan itong i-reset:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa.
  3. I-click ang Mga Setting at pagkatapos Privacy at seguridad at pagkatapos Seguridad at pagkatapos Pamahalaan ang mga security key at pagkatapos I-reset ang iyong security key.
  4. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

Tip: Puwede mong gamitin ang Chrome para i-reset ang iyong na-lock na security key. Pumunta sa chrome://settings/securityKeys.

Nawawalang security key

Kung nawawala ang iyong security key, para magkaroon ulit ng access sa account mo at maprotektahan ito, sundin ang mga hakbang para sa uri ng 2-Step na Pag-verify na ginagamit mo:

Kung may isa ka pang ikalawang hakbang

  1. Mag-sign in sa iyong Google Account gamit ang iyong passkey o ang password mo at isa pang ikalawang hakbang.
  2. Sundin ang mga hakbang para alisin ang nawawalang key sa iyong account.
  3. Kumuha ng bagong security key
    • Mainam kung mayroon kang isa pang key na maitatago mo sa ligtas na lugar.
  4. Idagdag ang bagong key sa iyong account.

Kung wala kang isa pang ikalawang hakbang o nakalimutan mo ang iyong password

Mahalaga: Nangangailangan ang 2-Step na Pag-verify ng isa pang hakbang para mapatunayang pagmamay-ari mo ang isang account. Dahil sa dagdag na seguridad na ito, puwedeng abutin nang 3-5 business day bago masigurado ng Google na ikaw ang sumusubok na mag-sign in.

  1. Sundin ang mga hakbang para ma-recover ang iyong account. May ilang bagay na itatanong sa iyo para makumpirmang account mo ito.
  2. Puwedeng hilingin sa iyong:
    • Maglagay ng email address o numero ng telepono kung saan puwedeng makipag-ugnayan sa iyo.
    • Maglagay ng code na ipinadala sa iyong email address o numero ng telepono. Nakakatulong ang code na ito na tiyaking naa-access mo ang email address o numero ng telepono na iyon.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17676205995792441345
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false
false
false