Magdagdag o mag-alis ng mga pinagkakatiwalaang computer

Kung hindi mo gustong maglagay ng code sa 2-Step na Pag-verify o gumamit ng Security Key sa tuwing magsa-sign in ka sa iyong Google Account, puwede mong markahan ang iyong computer o mobile device bilang pinagkakatiwalaan. Sa mga pinagkakatiwalaang computer at device, hindi mo kailangang maglagay ng code sa pag-verify sa tuwing magsa-sign in ka.

Magdagdag ng mga pinagkakatiwalaang computer at device

  1. Mag-sign in sa isang computer o device na pinagkakatiwalaan mo.
  2. Kapag naglagay ka ng code sa pag-verify, piliin ang Huwag nang hinging muli sa computer na ito.

Hinihiling sa iyong magsagawa ng 2-Step na Pag-verify sa isang pinagkakatiwalaang device

Maaaring hilingin sa iyong mag-sign in gamit ang 2-Step na Pag-verify, kahit na nilagyan mo ng check ang kahon sa tabi ng "Huwag nang hinging muli sa computer na ito." Kadalasan, nangyayari ito kapag hindi naka-enable ang cookies sa iyong browser, gaya ng Chrome o Firefox, o kapag nakatakda itong i-delete ang cookies pagkalipas ng isang partikular na yugto ng panahon.

Kung ayaw mong maglagay ng code sa 2-Step na Pag-verify o gamitin ang iyong Security Key sa tuwing magsa-sign in ka, subukan ang mga hakbang na ito:

  1. I-edit ang mga setting ng cookie ng iyong browser. Puwede mong itakda ang iyong browser na mag-save ng cookies, o puwede kang magdagdag ng pagbubukod para sa cookies ng Google Account sa pamamagitan ng pagdaragdag ng [*.]google.com. Piliin ang iyong browser para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano i-edit ang iyong mga setting:
  2. Lagyan ng check ang "Huwag nang hingin ulit sa computer na ito" para sa bawat browser o computer na ginagamit mo. Kung gumagamit ka ng iba't ibang browser o computer para mag-sign in, tiyaking lalagyan mo ng check ang kahong ito sa bawat computer, at na isasaayos mo ang iyong mga setting ng cookie sa bawat browser.

Mag-alis ng mga computer at device sa iyong listahan ng mga pinagkakatiwalaan

  1. Buksan ang iyong Google Account. Baka kailanganin mong mag-sign in.
  2. I-click ang Seguridad.
  3. Sa seksyong "Iyong Mga Device," i-click ang Pamahalaan ang lahat ng device.
  4. I-click ang device na gusto mong i-sign out at pagkatapos Mag-sign out.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1547104406382807158
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false
false
false